David Ortiz
David Ortiz/ IG post

Nagpapagaling pa rin sa pagamutan ang dating Boston Red Sox star David Ortiz matapos na ito ay barilin sa isang club sa Dominican Republic.

Ayon sa tagapagsalita ng Dominican National Police na si Felix Duran Mejia, binaril sa likod si Ortiz ng suspek na lulan ng motorsiklo.

Tumagos ang bala sa kaniyang tiyan na agad naman nadala ito sa pagamutan.

Gumaganda na rin ang kalagayan ng 43-anyos na baseball player matapos na ito ay operahan.