KORONADAL CITY – “Doble kayod” ang mga opisyal ng Barangay Assumption ng Lungsod ng Koronadal matapos pininsala ng halos sunod-sunod na mga kalamidad at karamdaman.
Sa panayam ng Bombo Radyo Koronadal kay Barangay Assumption Kapitan Sagin Monday, problema nila sa ngayon ang pagguho ng lupa, gayundin ang pagbaha at hailstorm na singlaki ng ice cube noong nakaraang mga araw.
Maliban dito, sinalanta rin sila ng buhawi kung saan ilang ari-arian ang nilipad ng malakas na hangin.
Dagdag pa aniya sa kanilang binibigyan ng atensyon ay ang anim na kabataan mula sa 60 pamilya na nakaranas ng pananakit ng tiyan sa evacuation center.
Sa ngayon ay pansamantalang sarado ang mga daan at tourism sites sa Koronadal, habang patuloy din ang damage assessment sa pinsala ng mga kalamidad.