Tuloy ang laban ng Pinoy Olympian na si Eumir Marcial, kasabay ng inaabangang Pacquiao-Barrios fight sa Hulyo-20.
Unang nakatakdang labanan ni Marcial ang Mexican boxer na si Alexis Gaytan sa ilalim ng undercard fight ngunit kinalaunan ay inanunsyo ni Gaytan na siya ay nagka-injury kaya’t tuluyan siyang umatras sa laban.
Gayonpaman, agad ipinalit kay Gaytan ang US boxer na si Bernard Joseph.
Dahil dito, tuloy pa rin ang ang nakatakdang laban ni Marcial, kahanay si 8-Division world champion Manny Pacquiao.
Sa professional boxing, mas maraming laban ang napagdaanan ni Joseph sa hawak nitong 11 wins at 2 losses. Sa labing-isang panalo, lima rito ay nagawa niya sa pamamagitan ng knockout.
Habang ang Pinoy Tokyo Olympics bronze medalist ay mayroon lamang limang laban. Ang lahat ng ito ay nagawa niyang maipanalo kung saan tatlo ay sa pamamagitan ng knockout.