Magpapadala ang Pilipinas ng pitong boksingero na sasabak para sa Asian Games sa Nagoya , Japan.
Sinabi ni Association of Boxing Alliances of the Philippines (ABAP) president Marcus Manalo na alam ng mga boksingero na kailangan ay matapos na ang pagkauhaw ng Pilipinas sa medalya at kailangan nilang humakot ng medalya.
Kinabibilangan ito ng mga boksingero na sina Nesthy Petecio, Aira Villegas, Carlo Paalam , Eumir Marcial, Riza Pasuit, Junmilando Ogaye at Norlan Petecio.
Magdedepende rin ang pagsabak ni Marcial sa resulta ng laban niya sa Setyembre 19 dalawang araw bago ang pagsisimula ng boxing competitions sa Asian Games.
Sumailalim sa training camp ang mga Pinoy boxers sa Thailand kung saan babiyahe sila sa Japan sa darating ng Setyembre 21.
Matagal ng hindi nakakuha ng gold medal sa Asian Games ang Pilipinas na ang huli ay noong panahon ni Rey Saludar sa 52 kilogram division na ginanap sa Guangzhou, China noong 2010.
Mula pa noon ay palaging silver at bronze medals ang naiuuwi ng mga boksingero ng bansa.
Gaganapin ang Asian Games mula Setyembre 19 hanggang Oktubre 4 sa Aichi at Nagoya, Japan.
















