Neil Etheridge
Neil Etheridge/ Twitter

Interesado pa ring maglaro sa Philippine Azkals si Neil Etheridge kahit na ito ay kinuhang goalkeeper ng Cardiff City.

Sinabi ng 29-anyos na beteranong player ng Azkals, na hindi hadlang sa kaniya ang paglalaro niya sa Premier League club.

Dagdag pa nito na mula pa noong ito ay 18-taon gulang ay desidido na itong maglaro sa national team.

Aminado na ito na marami ang humihikayat sa kaniya na umalis na sa Azkals at tutukan na lamang ang paglalaro sa Premier League.

Aniya na sa 11 taon niyang paglalaro sa Azkals ay hindi niya ito basta balewahalin.

Tiniyak nito na marami pa siyang maibibigay sa Azkals.