-- Advertisements --

Napanatili ng bagyong Ester ang taglay nitong lakas sa nakalipas na magdamag.

Ayon kay Ezra Bulquerin, wala pa rin itong tyansang tumama sa lupa.

Huling namataan ang sentro ng bagyo sa layong 790 km sa silangan ng Itbayat, Batanes.

Taglay nito ang lakas ng hangin na 45 kph at may pagbugsong 55 kph.

Kumikilos ang TD Ester nang mabagal patungo sa pahilaga hilagang kanlurang direksyon o papalayo sa Pilipinas.