DAGUPAN CITY – Tiwala si National Security Adviser Hermogenes Esperon Jr na masosolusyunan ni Pangulong Rodrigo Duterte ang suliranin sa Mindanao.
Ayon kay Esperon, matagal na niyang kakilala ang punong ehekutibo at alam na alam umano nito ang kagustuhan ng Pangulo na tapusin na ang karahasan at kaguluhang nagaganap sa lugar.
Paliwanag pa niya, mismong si Duterte pa ang nanghihimok at kumukumbinsi sa mga kasundaluhan na pagbutihin ang kani-kanilang trabaho upang sa ganon ay makamit na muli ng Mindanao ang kapayapaan.
Matatandaan na muling inihirit ni Esperon na magkaroon pa ng one-year extension ng Martial Law sa Mindanao dahil sa nararanasang minsang pag-atake ng mga terorista lalo na sa Sulu.
Ipinahayag ito ni Esperon matapos ang post SONA na ginawa ng mga gabinete ni Duterte.
Tila naging pabor naman ito sa pangulo matapos sabihing bukas siya sa rekomendasyon na ng naturang opisyal.