Errol Spence
Errol Spence/ IG post

Nasa pagamutan pa rin sa Dallas matapos masangkot sa aksidente si US boxing champion Errol Spence.

Minamaneho ng 29-anyos na boksingero ang kaniyang puting Ferrari sa Riverfront Boulevard, sa Dallas pasado alas-3:00 ng madaling araw ng biglang may sumingit sa harapan nito.

Dahil dito ay bumaligtad ng limang beses ang sasakyan nito.

Tumilapon pa palabas ang boksingero dahil sa hindi ito nakasuot ng seatbelt.

Inaalam pang mabuti ng mga kapulisan kung nakainom ba ang boksingero.

Dahil sa insidente maraming kapwa niya boksingero ang nagbigay ng mensahe para sa agaran nitong paggaling.

Pinangunahan ito nina Shawn Porter at Roy Jones Porter na nagpost ng mga video sa kani-kanilang mga social media accounts.

Magugunitang noong Setyembre 28 ay tinalo ni Spence si Porter sa kanilang welterweight title fight.

Kasalukuyan siyang IBF at WBC welterweight champion na mayroong 26-0 bilang pro fighter.

Ilan sa mga sikat na tinalo nito ay sina MIkey Garcia, Kell Brook at Chris Algieri.