Hindi na itinuloy ng Gilas Pilipinas ang kanilang ensayo nitong Lunes ng gabi.

Ito ay matapos na hindi nakadalo ang mga koponan mula sa Taiwan.

Sinabi ni Gilas coach Tim Cone, nagtamo ng injury ang dalawang manlalaro ng Chinese Taipei kaya hindi na nila itinuloy ang friendly game nila.

Tiniyak naman ni Cone na nakahanda lagi ang kanilang team para sa nalalapit na 30th Southeast Asian Games na gaganapin sa bansa.

Hindi rin nababahala si Cone kahit na abala ang ilang manlalaro niya sa quarterfinals ng PBA Governors’ Cup.