-- Advertisements --

Inanunsyo ng beauty queen mula Pampanga ang kanyang pagbabalik sa pamamagitan ng isang video na ipinost nito sa kanyang social media, kung saan makikita siyang suot ang berdeng gown para sa Miss Grand Philippines 2025.

Sa kangyang post, sinabi ni Emma,“Pampanga, misan pa!! Para keka at para kekayung lulugud kaku,” bilang pasasalamat sa kanyang mga taga-suporta at kababayan.

Matatandaang si Emma ay nakilala sa kanyang paglahok sa Miss Intercontinental 2019 kung saan pumasok siya sa Top 20. Sa kasalukuyan, ang Miss Grand International 2024 titleholder ay si CJ Opiaza mula rin sa Pilipinas, na pinalitan si Rachel Gupta ng India matapos itong magbitiw sa kanyang korona.

Ang pagbabalik ni Emma sa pageantry ay inaabangan ng pageant fans at ng buong Pampanga.