Ikinatuwa ng Anti-Red Tap Authority (ARTA) ang hakbang ni Pangulong Rodrigo Duterte na sinipertikahang “urgent bill” ang panukalang batas na magbibigay sa punong ehekutibo ng mga emergency power laban sa red tape sa panahon ng mga national emergencies.
Sinabi ni ARTA Director General Jeremiah Belgica na suportado nila ang lahat ng hakbang na makakatulong na mapadali ang proseso sa gobyerno.
Aniya, ang average na oras para sa mga serbisyo ng gobyerno sa pangkalahatan tulad ng nakasaad sa batas ay nasa tatlo, pito, at 20 araw lang.
Naniniwala si Belgica na sa nasabing panukalang batas, maaaring masuspendi ang mga rekisitos sa pagkuha ng mga dokumento.
Una nang sinitiperkahang urgent bill ni Pang Duterte ang Senate Bill No. 1844 na naglalayong pahintulutan ang Pangulo na mapabilis ang pagpoproseso at pagbibigay ng national at lokal na mga permit, lisensya at sertipikasyon.
Hangad din panukalang batas ay magpapadali sa aktibidad sa ekonomiya, magpapabilis sa pagbawi ng socioeconomic ng bansa, at masisiguro ang mabilis na paghahatid ng mga serbisyong pampubliko sa mga oras ng pambansang emerhensiya tulad ng kasalukuyang COVID-19 pandemic. (report by Bombo Jane Buna)