Naglunsad ang Anti-Red Tape Authority (ARTA) ng mga mobile hotlines kaugnay ng dumaraming complaints na natatanggap ng ahensiya.
Magiging convenient ito para sa publiko na mag-report ng kanilang mga reklamo laban sa mga red tape incidents ng government offices.
Ayon kay ARTA director general Jeremiah Belgica ito ay maituturing na magandang problema dahil mas maraming mga Pilipino ang magiging aware sa mga serbisyo ng ARTA at mas marami ang magiging kaagapay nito sa laban kontra red tape.
Hinihikayat ang publiko na tumawag para sa kanialng concerns at complaints may kaugnayan sa pagkaantala ng government processes, fixers, maging sa bribery at inefficient government services sa ARTAwag Center numbers 0965-672-4943 at 0916-266-3138 para sa Globe at TM users, para naman sa mga Smart, TNT, at Sun subscribers, maaaring tumawag sa 0969-257-7242 at 0969-516-7765.
Maliban pa ito sa hotline numbers ng ahensiya na 8888 o ang Citizens’ Compliant Center.
Maaaring tumawa sa ARTAwag Center mula araw ng Lunes hanggang Biyernes mula alas-8 ng umaga hanggang alas-5:00 ng hapon.