-- Advertisements --

Pinagiingat ng Embahada ng Pilipinas sa Washington D.C. ang mga Pilipinong naninirahan sa Jamaica sa gitna ng pananalasa ng Hurricane Melissa, na tinaguriang pinakamalakas na bagyo sa buong mundo ngayong taon at pinakamalakas sa kasaysayan ng Jamaica.

Ayon sa mga ulat, inaasahang magdudulot ang hurricane ng matinding pinsala sa imprastraktura, malalakas na hangin, pagbaha, at pagguho ng lupa.

Kaugnay nito, binigyang-diin ng Embahada na ang kaligtasan ng mga Pilipino sa mga apektadong lugar ang kanilang pangunahing prayoridad.

Hinimok nito ang mga Pilipino na itago sa ligtas na lugar ang mahahalagang dokumento gaya ng pasaporte at ID, at sumubaybay lamang sa opisyal na balita at abiso ng pamahalaan.

Sa ngayon, may tinatayang 300 Pilipino ang naninirahan at nagtatrabaho sa Jamaica.