Bigong makuha ni Eman Bacosa Pacquiao, anak ni neight-division world champion Manny Pacquiao, ang Philippine Boxing Federation (PBF) lightweight title matapos siyang talunin ni Rodelyn Perez sa majority decision nitong Linggo ng gabi sa DRP Sports Complex.
Itinuturing na paborito sa laban si Pacquiao dahil sa kanyang record na 8 panalo, 1 talo at 1 tabla, kabilang ang limang panalo sa knockout. Gayunpaman, hindi natinag si Perez at nagpakita ng mahusay na depensa at agresibong opensiba upang makuha ang pabor ng mga hurado.
Sa pagtatapos ng laban, idineklara si Perez bilang bagong kampeon matapos makuha ang majority decision, na siyang nagtapos sa limang sunod na panalo ng batang Pacquiao mula pa noong Pebrero 2023.
Bago ang laban, hawak na ni Perez ang record na 5 panalo at 4 na talo. Kabilang sa kanyang mga naging panalo ay laban kina Nathaniel Bonggo at Conrado Tanamor.
Sa kabila ng pagkatalo, nananatiling isa si Eman sa mga inaabangang batang boksingero sa bansa. Samantala, malaking hamon naman para kay Perez ang panalo, na nagbigay sa kanya ng unang PBF lightweight title at dagdag na pagkilala sa larangan ng boksing.












