ellen degeneres 2
Award-winning TV host Ellen DeGeneres speaks up about being sexually assaulted in her teenage years.

Ikinagulat ng marami ang walang takot na rebelesayon ni American tv-host Ellen DeGeneres patungkol sa kanyang traumatic experience noong siya ay dalaga pa.

Kwento ng Emmy Award-winning talkshow, nagsimula ang pangmomolestiya na kanyang naranasan noong pakasalan ng kanyang ina na si Betty DeGeneres ang stepfather nito.

Ayon kay De Generes, ginamit umano ng suspek na dahilan ang pagkakaroon ng breast cancer ng kanyang ina upang subukan siyang molestiyahin sa iba’t ibang okasyon.

Dumating din daw sa punto na halos masira na ng kanyang ama ang pintuan ng kanyang kwarto upang mapasok lamang siya sa loob ngunit buti na lamang daw ay nakalabas siya mula sa bintana at nakatakas.

Inamin ni DeGeneres na may mga oras daw noon na nagalit siya sa kanyang sarii dahil naging mahina ito pero naglakas siya ng loob ngayon na aminin ito sa milyon-milyong tao upang magbigay babala para sa mga kababaihan.

Umaasa naman si DeGeneres na makakatulong sa maraming biktima ang kanyang kwento upang magkaroon ang mga ito ng boses at huwag na muling makaramdam ng takot na ipaglaban ang kanilang sarili.