-- Advertisements --

Naaaresto ng mga operatiba mula sa Criminal Investigation and Detection Group (CIDG) ang hindi bababa sa 30 mga pugante sa ikinasang mga operasyon nitong nagdaang halalan.

Ayon kay CIDG Director. MGen. Nicolas Torre III, ang mga personalidad na naaresto ay mga wanted para sa mga kasong rape, sexual abuse, possession of illegal drugs, estafa at qualified theft.

Ang mga ito ay naresto sa ikinasang dalawang araw na operasyon ng yunit simula nitong election nitong Lunes, Mayo 12.

Sa 30 naaresto, 17 ang nahuli sa Luzon, walo ang nahuli sa Mindanao at lima naman ang nasakote sa Visayas habang dalawa naman mula sa kabuuang bilang na ito ang most wantd sa Central Visayas at Davao Region na humaharap sa mga kasong may kinalaman sa illegal drugs and statutory rape.

Kasunod nito ay kinomenda naman ni Torre ang kanilang mga tauhan partikular na ang mga nasa CIDG regional at provincial yunit para sa matagumpay na pagaresto sa mga suspek sa mismong araw ng eleksyon.

Samantala, tiniyak din ni Torre na magiging mas mabilis at papanatilihin nila ang matibay na pagppatupad ng mga batas at mainam na pagkakasa ng mga operasyon para mahuli ang iba pang mga puganteng suspek sa bansa.