-- Advertisements --

Nagwagi ng bronze medal si Pinoy pole vaulter EJ Obiena sa Mondo Classic na ginanap sa IFU Arena sa Uppsala, Sweden.

Bukod sa medalya ay naitala rin nito ang pagpantay sa Philippine indoor record.

Nakakuha ito ng 5.91 meters na kapantay ang kaniyang performance sa Perch Elite Tour sa France noong nakaraang taon.

Nanguna sa torneo naman si World record holder Armand Duplantis ng Sweden na nagtala ng 6.10m at nagwagi ng gintong medalya.

Habang pumangalawa naman si KC Lightfoot ng US.

Sinubukan ng 27-anyos na si Obiena ang 6.00m at 6.05 m pero ito ay nabigo.

Susunod na sasabaki tio sa Perche En Or sa Roubaix, France sa Pebrero 5.