-- Advertisements --
ej oBIENA BRUSSELS

Ginulat ngayon ng Pinoy Olympian na si Ernest “EJ” Obiena ang mundo ng track and field nang talunin ang world record holder at world champion na si Armand Duplantis upang ibulsa ang panibago na namang gold medal sa Brussels Diamond League.

Ang panalo ni Obiena ay matapos na ma-clear niya ang 5.91 meters sa kanyang third and final attempt.

Nasilat ng Pinoy athlete ang matagal ng karibal na Olympic gold medalist na si Duplantis ng Switzerland na nabigong malampasan ang taas sa tatlong beses na attempts.

Ang world’s No. 1 na si Duplantis ay nagkasya sa 5.81 meters para makuha ang silver medal habang ang world’s No. 2 na si Christopher Nilsen ng Amerika ay naibulsa naman ang bronze sa 5.71 meters.

Para naman kay Duplantis inamin nito na may mali siya sa kanyang diskarte sa kanyang kauna-unahang talo ngayong taon.

Ang nakakabilib na performance ng Pinoy vaulter ay nagbigay sa kanya ng ikaapat na gold medal sa loob lamang ng dalawang linggo habang nagkakampanya siya sa Europa.