-- Advertisements --

Nagtapos sa pang-apat na puwesto si Pinoy pole vault star EJ Obiena sa Fly Athens tournament sa Greece.

Mayroon itong kabuuang season-best na 5.81 meters kung saan nahigitan nito ang kaniyang dating season best na 5.78 meters noong ISTAF Indoor meet sa Berlin, Germany noong Marso.

Kahit na muntik ng hindi makuhaang podium sa countback ay masaya naman ito matapos na ma-clear ang 5.80 meters ngayong season.

Nagwagi naman sa event sa countback si Chritopher Nilsen ng US habang pumangalawa si Thibaut Collet ng France at bronze medal naman ang nakamit ni Emmanouil Karalis ng Greece.

Nakatabla naman ng 30-anyos na si Obiena sa 5.81 meters sina Emmanouil Karalis ng Greece, Ersu Sasma ng Turkey , Baptiste Thiere ng France at Emmanouil Karalis ng Greece.