-- Advertisements --
Tahimik na ginugunita ngayong araw ng mga kapatid na Muslim sa Pilipinas ang Eid’l Fitr, ang pagtatapos ng isang buwang Ramadan.
Dahil sa COVID-19 crisis, walang pagtitipon habang pinapahintulutan naman sa ilang piling lugar sa bansa.
Nabatid na ang Golden Mosque sa Quiapo ay sarado kasalukuyang araw dahil nasa ilalim pa rin ng modified enhanced community quarantine ang Metro Manila.
Dahil dito, sa kanikanilang mga bahay na lamang nanalangin at ipinagdiwang ang Eid’l Fitr ng mga kapatid na Muslim.
Sa Metro Manila, kadalasan ang mga Muslim ay nagtitipon-tipon sa Rizal Park tuwing Eid’l Fitr pero hindi ito nangyari ngayong taon dahil ipinagbabawal ang mass gatherings para maiwasan ang lalo pang pagkalat ng COVID-19.