-- Advertisements --

Kumpyansa ang economic team ng kasalukuyang administrasyon na may mga indibidwal na mapapanagot at makukulong dahil sa kanilang pagkakasangkot sa anomalya sa mga proyekto ng flood control bago pa matapos ang buwan ng Nobyembre.

Sa naging pagbubukas ng plenary deliberations para sa panukalang 2026 national budget,sinabi ni finance committee chairman Senador Sherwin Gatchalian na tiyak niyang mayroong mga indibidwal na mananagot sa batas at posibleng makulong sa loob ng susunod na labing limang araw.

Si Senador Gatchalian ang nagsilbing tagapagsalita para sa economic managers, dahil sa kanyang papel bilang siyang nagtatanggol at nagpapaliwanag ng detalye ng 2026 national budget sa Senado.

Ayon kay Senador Gatchalian, ang pagpapalakas ng tiwala ng publiko sa gobyerno ay isang mahalagang bahagi ng economic policy ng kasalukuyang administrasyon.

Ito ay nakikita bilang isang pundasyon para sa paglago ng ekonomiya at pag-unlad ng bansa.

Pinaliwanag pa ng senate finance chief na sa ganitong paraan, sa pamamagitan ng pagpapanagot sa mga nagkasala, ay maibabalik ang kumpiyansa ng taumbayan, ang mga nagbabayad ng buwis, at maging ang business sector sa ating pamahalaan.