-- Advertisements --
Nakapagtala ng 220 na bagong kumpirmadong pasyente ng COVID-19 ang Department of Health ngayong araw, Easter Sunday.
Dahil dito, malapit ng pumalo sa 5,000 ang bilang ng mga nag-positibo sa sakit na may total ngayong 4,648.
Ang death count naman ay nasa 297 na dahil sa 50 reported na namatay ngayong araw.
Maging ang mga gumaling ay nadagdagan din ng malaking bilang na 40, na may total ng 197.
Una ng sinabi ng DOH na asahan ang mataas na update sa mga numero bunsod ng nagdaang Semana Santa.