-- Advertisements --

SOCHI – Dumating na sa Sochi, Russia si Pangulong Rodrigo Duterte para sa kanyang bilateral meeting kay Russian Federation President Vladimir Putin.

Kagabi ay nagkaroon ng bilateral meeting si Pangulong Duterte kay Russian Prime Minister Dmitry Medvedev sa Moscow.

Matapos ang bilateral meeting nina Pangulong Duterte at Pres. Putin mamayang gabi, oras sa Pilipinas, sasaksihan din ng dalawang lider ang paglagda ng ilang kasunduan sa pagitan ng Pilipinas at Russia na may kinalaman sa political cooperation, health, science and technology at culture.

Nakatakda ring makipagpulong si Pangulong Duterte kay King of Jordan, Abdullah Bin al Hussein saka magsasalita sa Valdai Conference ng Valdai Discussion Club na isang prominenteng “think tank” sa Russia.

Bukas, haharap din si Pangulong Duterte sa Philippines-Russia Business Forum para hikayating maglagak ng negosyo ang mga Russian businessmen sa Pilipinas.