Nagsagawa si Pangulong Rodrigo Duterte ng inspeksyon sa mga bagong aerial assets ng Philippine Air Force (PAF) sa Haribon Hangar sa Clark Airbase, Mabalacat, Pampanga.

-- Advertisement --

Kabilang dito ang isang (1) unit ng C-130H, anim (6) units ng S70i Blackhawk Utility Helicopters, anim (6) units ng A-29B Super Tucanos, anim (6) units ng Hermes 900 Unmanned Aerial Vehicles at apat (4) units ng Hermes 450 Unmanned Aerial Vehicles.

Sinaksihan din ni Pangulong Duterte ang ceremonial distribution ng food packs sa ilang beneficiaries na miyembro ng PAF at conferment ng Order of Lapu-Lapu with the Rank of Kamagi sa mga awardees mula sa PAF, Philippine Army (PA) at Philippine Navy (PN).