Nakatakadang makipagpulong si Pangulong Rodrigo Duterte ngayong araw sa kanyang cabinet officials para pag-usapan ang apela ng health workers na higpitan mula ang lockdown sa National Capital Region.
Ito ang kinumpirma ng kanyang tagapagsalita na si Sec. Harry Roque sa isang pahayag.
“The President will meet today with key cabinet members today to discuss yesterday’s letter from the frontliners.”
“I will make the proper announcement in due course.”
Nitong Sabado nang kalampagin ng ilang medical groups ang gobyerno para magkaroon ng “time out” sa sitwasyon ng NCR.
Nais ng health workers na ibalik ang enhanced community quarantine sa loob ng dalawang linggo, kasabay nang pagbuo ng mas kongkretong plano laban sa pandemya.
Ilang ospital na rin kasi sa Metro Manila ang halos puno na ng COVID-19 patients. Nagkukulang na rin daw ng health care workers sa mga pasilidad.
Nitong Sabado ng gabi nang magpulong ang Cabinet officials, kasama si Executive Secretary Salvador Medialdea ukol sa apela ng medical frontliners.
Una nang nangako si Health Sec. Francisco Duque na tutugunan ang panawagan ng health care workers.
Nitong araw pumalo na sa higit 103,000 ang total ng COVID-19 cases sa bansa dahil sa bagong record-high na higit 5,000 new confirmed cases.
















