-- Advertisements --

Ipinagtanggol ng MalacaƱang si Pangulong Rodrigo Duterte sa pagtawag nitong mukhang pera ang Philippine Red Cross (PRC).

Ginawa ni Pangulong Duterte ang pahayag matapos sabihin ni Health Sec. Francisco Duque III na bumalik sa swab testing ang PRC matapos magbayad ang Philippine Health Insurance Corporation (PhilHealth) ng paunang P500 million sa pagkakautang nitong aabot sa P1 billion.

Sinabi ni Presidential Spokesman Harry Roque, pabayaan na lamang na sabihin ni Pangulong Duterte ang nais nitong ihayag at wala silang balak bawiin.

Ayon kay Sec. Roque, bahala na ang PRC kung papaano nila ito tatanggapin at bigyang interpretasyon.

Una ng umalma si PRC chairman at Senator Richard Gordon sa tinurang ito ni Pangulong Duterte sa pagsasabing obligasyon ng gobyerno na bayaran ang serbisyong ibinigay ng PRC.