-- Advertisements --

Nilinaw ng Malacañang na hindi magbibitiw sa pwesto si Pangulong Rodrigo Duterte sa kabila ng kanyang pagkadismaya sa patuloy na korupsyon sa gobyerno.

Sinabi ni Presidential Spokesman Harry Roque, katunayan ay gagamitin nga ni Pangulong Duterte ang natitira niyang dalawang taon para linisin ang gobyerno.

Ayon kay Sec. Roque, seryoso lang talaga si Pangulong Duterte sa kanyang pagkadismaya at pikang-pika na sa korupsyon.

Magugunitang kagabi, inihayag ni Pangulong Duterte na gusto na niyang iwan ang pagka-pangulo dahil sa “frustration” sa korupsyon kung saan nagpahayag na rin ito ng kahandaang humarap sa Kongreso para talakayin ang solusyon sa problema.

“Mukhang hindi naman po dahil gagamitin nga niya ‘yung natitira niyang dalawang taon para linisin ang gobyerno,” ani Sec. Roque.