-- Advertisements --
Nagsilbing guest of honor si Pangulong Rodrigo Duterte sa 35th birthday celebration ng TV actress na si Mariel Rodriguez-Padilla.
Ipinagdiwang ni Mariel ang kanyang kaarawan sa isang luxury hotel sa lungsod ng Makati nitong Biyernes.
Sa mga larawang mula sa Presidential Photographers Division, makikitang masayang nakikipaghalubilo ang Pangulo kina Mariel at sa kanyang asawang si Robin Padilla, na kilalang tagasuporta ng Presidente.
Nagbigay din ng maikling mensahe ang Chief Executive para sa birthday girl.
Ilan din sa mga nagtungo sa selebrasyon ang aktor na si Philip Salvador at si Basilan Rep. Mujiv Hataman.