-- Advertisements --

Nakatakdang dadalo si Pangulong Rodrigo Duterte sa special session ng United Nations General Assembly (UNGA) kaugnay sa COVID-19 pandemic simula ngayong araw hanggang bukas.

Ang 31st Special Session ng UNGA ay magiging virtual kung saan inaasahang magbibigay ng mensahe si Pangulong Duterte alas 9 ng umaga, New York time, alas 10 ng gabi sa Pilipinas.

Inaasahang bibigyang-diin ni Pangulong Duterte ang kanyang panawagan para sa global solidarity sa pagtugon sa mga hamong dala ng COVID-19 pandemic.

Partikular na concern na ilalatag ni Pangulong Duterte ang pagkakaroon ng universal access sa mga anti-COVID-19 technologies at products, gayundin ang pagtitiyak ng available, ligtas at epektibong bakuna para sa mga mamamayan ng developing countries o mga mahihirap na bansa.