-- Advertisements --

Kinumpirma ng Malacañang ang pulong nina Pangulong Rodrigo Duterte at Speaker Alan Peter Cayetano kagabi matapos ang ang botohan sa House of Representatives kung saan ni-reject o hindi tinanggap ng mayorya ng mga kongresista ang pagbibitiw ng speaker.

Sinabi ni Presidential Spokesman Harry Roque, sa nasabing, inulit ni Pangulong Duterte ang kanyang posisyon na ang “leadership squabble” sa Kamara ay isang internal matter ng co-equal branch sa gobyerno.

Ayon kay Sec. Roque, kasama sa meeting sa Malacañang Golf Clubhouse sina Taguig City Rep. Lani Cayetano, misis ni Speaker Cayetano, kapatid nitong si Sen. Pia Cayetano, Deputy Speaker at evangelist Eddie Villanueva at Sen. Bong Go.

Nilinaw naman ni Sec. Roque na nagkataon lang umano na naganap ang meeting ilang oras matapos ang kaganapan sa Kamara dahil naitakda ito dalawang linggo na ang nakaraan.

“Bagamat ang pakay ni Brother Eddie ay para i-pray over ang Presidente, eh inulit naman po ni Presidente na ang issue ng liderato ng Kamara de Representante ay isang internal matter ng Kamara de Representante,” ani Sec. Roque.