(Update) Tapos na ang COVID-19 test kina Pangulong Rodrigo Duterte at Sen. Bong Go.

Sinabi ni Sen. Go, alas 5 kaninang hapon nang kunan sila ng swab sample sa Bahay Pagbabago sa PSG Compound.

Nais umano nilang makatiyak na negatibo sila sa virus matapos makahalubilo nila kamakailan ang isang nagpositibo sa COVID-19.

Hinihintay pa ang resulta ng nasabing laboratory test kina Pangulong Duterte at Sen. Go.

Pero iniulat naman ni Executive Secretary Salvador Medialdea, na lumabas sa pagsusuri na naging negatibo sa COVID-19 test ang Pangulo.

Duterte COVID 19 test 1
Duterte COVID 19 test 2
Duterte COVID 19 test 3