-- Advertisements --

Nakatakdang lumipad patungong Japan si Pangulong Rodrigo Duterte upang saksihan ang pormal na pag-upo sa trono ng bagong emperador ng nasabing bansa.

Ayon kay Sen. Christopher “Bong” Go, inimbitahan ng Japanese government si Pangulong Duterte para sa koronasyon ni Prince Naruhito.

Sinabi pa ni Go na aalis umano sa Davao International Airport ang Pangulo patungong Japan sa Oktubre 21.

Una nang sinabi ng Malacañang na hindi umano dadalo si Pangulong Duterte sa nasabing okasyon dahil sa napakaabala nitong schedule at baka magpadala na lamang ng kinatawan.

Sa darating na Oktubre 22, kokoronahan si Naruhito sa harap ng mga dignitaries mula sa 190 mga bansa.