-- Advertisements --

Mistulang nangapa muna sa first half ang Big Three ng Brooklyn Nets bagong tuluyang itumba sa second half ang Boston Celtics sa first round ng playoffs, 104-93.

Ito ang siyam na beses pa lamang na nagsama sama sa iisang game sa Nets sina Kevin Durant, James Harden at Kyrie Irving.

Nagtapos si Harden, sa 21 points, nine rebounds, eight assists at four steals, habang si Durant, ay nagpakita ng 32 points at 12 rebounds sa loob ng 39 minuto at si Irving naman ay nagdagdag sa 29 points o 11-for-20 laban sa kanyang dating team.

Sa kaso ni Durant ito ang kanyang unang playoff game makalipas ng dalawang taon nang matamo niya ang matinding injury.

Para kay Irving nang makita nilang nagiging agresibo ang kanilang lider na si Durant, ito na rin ang senyales nang sila ay ginanahan hanggang sa hindi na binitawan ang kalamangan.

Sa panig ng Celtics medyo inalat si Jayson Tatum nang magbuslo ng 22 na meron lamang anim na pumasok mula sa 20 attempts.