CENTRAL MINDANAO-Bumulusok sa malalim na bangin ang dumptruck ng Department of Public Works and Highways (DPWH-BARMM) sa probinsya ng Cotabato.
Ayon sa ulat ng Aleosan PNP na pabalik na ang dumptruck ng DPWH-BARMM sa Bangsamoro READi Logistics Center sa Cotabato City ngunit pagsapit nito sa bahagi ng Brgy San Mateo Aleosan Cotabato ay bigla itong nawalan ng preno at bumulusok sa malalim na bangin sa gilid ng national highway.
Suwerte namang nakaligtas ang driver at pahinante na nagtamo lamang ng konting galos sa kanilang katawan.
Ang Dumptruck ng DPWH-BARMM ay galing sa Brgy Rajamuda Pikit Cotabato na naghatid ng tulong sa mga residente na sinalanta ng baha.
Laking pasasalamat naman ni Ministry of Interior and Local Government (MILG-BARMM) Minister Atty Naguib Sinarimbo na ligtas ang mga sakay ng dumptruck.
Marami ang naniniwala na posibling hindi kumagat ang preno ng dumptruck dahil sa madulas na kalsada sa nararanasang malakas na buhos ng ulan.