-- Advertisements --
China beijing winter games

Tinitimbang pa rin ngayon ni US President Joe Biden ang planong diplomatic boycott hinggil sa 2022 Winter Olympic Games na nakatakdang ganapin sa February 4, 2022 sa Beijing, China.

Ibig sabihin walang opisyal ng Amerika ang ipapadala para dumalo sa Olympic games.

Ginawa ni Biden ang naturang pahayag sa kaniyang pakikipagpulong kina Mexican President Andres Manuel Lopez Obrador at Canadian Prime Minister Justin Trudeau na tinawag na “three amigos summit.”

Bagamat hindi naman maaapektuhan ang mga atleta ng Amerika sa pinaplanong diplomatic boycott, ayon kay White House spokeswoman Jen Psaki isinasapinal pa ng bansa kung ano ang magiging partisipasyon nito sa Beijing Olympic games

Nauna rito, inakusahan ng US ang China ng genocide sa mga Uighurs na katutubong grupong Muslim na karamihan ay naninirahan sa autonomous region ng Xinjiang.

Lalo pang tumindi ang tensiyon sa pagitan ng Amerika at China dahil sa panggigipit daw ng China sa political freedom ng Hongkong.

Kaugnay nito, ilang mga democratic at republican lawmakers ang nananawagan ng diplomatic boycott bilang protesta laban sa human rights abuses ng China.