-- Advertisements --

CEBU CITY – Paghihiganti umano ang motibo sa pagpatay sa isang radio blocktimer ng Dumagute City na si Dindo Generoso sa Barangay Piapi ng naturang lungsod.

Ito ang sinabi ng Negros Oriental Provincial Police Office Director na si Police Colonel Julian Entoma nang makapanayam ng Bombo Radyo Cebu.

Ayon kay Entoma, base sa kanilang imbestigasyon ay isang “hard hitting commentator” ang nasabing brodkaster at posibleng may tinitira itong isang personalidad bagama’t kanila pa nila itong inaalam.

Sa ngayon, may dalawang persons of interest nang hawak ang Dumaguete Police at isa rito ay pinaniniwalaang retired police na hindi muna pinangalanan dahil nagpapatuloy ang kanilang imbestigasyon.

Natukoy na rin aniya nila ang dalawang lalaki mula sa kuha ng closed circuit television camera sa area kung saan binaril ang brodkaster. Dito ay agad din nilang na-trace ang plate number ng pick up truck na sinakyan ng sinasabing “spotter” kung saan nahuli naman ito at nakuhanan pa ng 45 caliber pistol.

Samantala, ang retiradong pulis naman ang lumalabas na driver ng motorsiklo na sinakyan ng gunman, na bumaba galing sa truck habang papalapit na ang sasakyan ng biktima.

Na-trace ang driver ng motor sa pamamagitan ng mga markings ng helmet nito.

Patuloy namang inaalam kung sino ang bumaril sa biktima habang nakikipag-ugnayan na sa pulisya ang driver ng pick up truck.