-- Advertisements --

Tiniyak ng Department of Social Welfare and Development na patuloy silang magbibigay ng tulong sa lahat ng mga benepisyaryo ng Pantawid Pamilyang Pilipino Program o 4Ps.

Kaugnay ito ay naging matagumpay na paghahatid ng ahensya sa “Trabaho sa Bagong Pilipinas para sa 4Ps” Job Fair sa San Fernando City sa Pampanga kahapon.

Aabot sa 3,000 na mga benepisyaryo ng naturang programa ang lumahok Job Fair.

Sa isang pahayag ay sinabi ng Department of Social Welfare and Development na aabot sa 21 na mga pribadong employer ang nag-alok ng trabaho para sa mga lumahok.

Ayon kay DSWD Undersecretary Vilma Cabrera ng Conditional Cash Transfer Group, ang inisyatibong ito ay bahagi ng pagsisikap ng administrasyong Marcos Jr. na mabigyan ng disenteng trabaho ang lahat ng mga Pilipino.

Makatutulong rin ito upang masiguro na ang mga benepisyaryo ng 4Ps ay magkakaroon ng access sa trabaho at tuluyang makamit ang pagiging self-sufficiency.

Katuwang ng DSWD sa isinagawang Job Fair ang iba pang mga pangunahing ahensya ng gobyerno.

Sa datos na inilabas ng ahensya, aabot sa 135 na mga lumahok dito ang na hired on the spot.

Maaaring namang makatatangap ang mga na hired sa trabaho ng 5,000 para sa kanilang pre-employment depende pa rin sa magiging assessment ng DSWD.