Nakatakdang magbukas ng bagong satellite office ang Department of Social Welfare and Development (DSWD) sa Commonwealth Avenue, Quezon City.
Layon nito na mas gawing komportable ang pagkuha ng mga benepisyaryo ng kani-kanilang mga ayuda bilang bahagi ng Assistance to Individuals in Crisis Situations (AICS) at ng Ayuda sa Kapos ang Kita Program (AKAP).
Ayon kay Protective Services Bureau–Crisis Intervention Division Director Edwin Morata, bubuksan ang satellite office sa darating na Huwebes, Hunyo 26.
Ang mga scheduled walk in na siyang kliyente sa ilalim ng mga programa ay dito na idederektang asikasuhin ng mga tauhan ng DSWD at hindi na sa Central Office.
Samantala, ang inisyatibong ito naman ng DSWD ay naglalayon ding magbigay ng isang mahusay at mabilis na pagproseso ng mga serbisyong publiko ng departamento.