Nakatakdang makatanggap ang hindi bababa sa 160,000 motorcycle taxi at private express and messengerial delivery service (PEMEDES) riders at ang higit sa 48,000 na mga transport network vehicle service (TNVS) drivers ng P5,000 halaga ng cash assistance sa ilalim yan ng Assistance to Individuals in Crisis Situation (AICS) Program.
Ayon sa Department of Social Welfare and Development (DSWD) ang mga benepisyasryo ay mula sa mg alistahan ng mga unclaimed cash aids at mga karagdagang mga pangalan mula naman sa mga validated beneficiaries sa ilalim ng programa.
Nakatakda namang maganap ang pamamahagi ng mga tulong sa darating na Biyernes, Abril 17 para sa mga unclaimed at pe-identifies sites na siya namang agad na susundan ng isang open payout sa Sabado at Linggo Abril 18-19 sa mga payout sites ng Caloocan Colisuem TLC Park Concert Grounds sa Taguig City, Makati Colisuem at Quezon City Memorial Circle na maguumpisa pasado 7:00 ng umaga.
Samantala, para naman sa mga TNVS drivers, magsasagawa ng one-day payout schedule ang DSWD na siya namang gaganapin sa Huwebes, Abril 16.
Maliban naman sa PEMEDES riders at TNVS drivers sa Metro Manila, ang special payout na ito ay mangyayari rin sa ilang kalapit na probinsiya gaya ng Rizal, Laguna, Cavite at maging sa Bulacan.
















