-- Advertisements --

Hihilingin ng Department of Social Welfare and Development ang exemption sa public spending ban ng Commission on Elections (Comelec).

Sinabi ni Irene Dumlao, director ng DSWD social marketing service, na target nilang maisumite sa Comelec ngayong linggo ang listahan ng mga programang dapat i-exempt sa spending ban tuwing eleksyon.

Hinimok ni Dumlao ang poll body na payagan ang DSWD na ipagpatuloy ang kanilang emergency financial assistance para sa mga marginalized sector at ang relief operations para sa mga pamilyang naapektuhan ng bagyong Odette.

Umaasa ang kagawaran ng isang positibong tugon mula sa Comelec tungkol sa kanilang kahilingan para sa exemption sa pagbabawal sa paggasta.