Handa ang Department of Social Welfare and Development (DSWD) na humarap sa anumang imbestigasyon hinggil sa umano’y P10.4 billion halaga ng nawawalang Social Amelioration Program (SAP) funds, pati na rin ang umano’y kabigiguan nilang mapagsilbihan ang nasa 1.3 million beneficiaries dahil sa paggamit ng Starpay e-wallet.
Ayon kay DSWD spokesperson Irene Dumlao, handa silang bigyan linaw ang mga alegasyon na ibinabato ni Sen. Manny Pacquiao laban sa kung paano hinawakan ng pamahalaan ang pamamahagi ng SAP, partikular na ang digital payment ng second tranche ng mga ayuda sa ilalim nang paso nang Bayanihan 1.
Magugunita na naglunsad nang congressional inquireies ang Kamara at Senado hinggil sa kalituhan, delays at umano’y mga iregularidad sa pamamahagi ng SAP cash subsidies.
Kaninang hapon, sa isang virtual presser, sinabi ni Pacquiao na P10.4 billion halaga ng SAP Funds ang hindi naibigay sa mga beneficiaries.
Humigit kumulang P50 billion naman ang inilaan sa Starpay e-wallet service kahit pa ang binayarang kapital lamang dito ay P62,000.
Abril ngayong taon nang itinigil ng DSWD ang engagement nito sa mga financial service providers (FSPs) at nagdesisyon na gawin na lamang manual ang payouts para sa mga SAP beneficiaries na hindi pa nakakatanggap ng ayuda.
















