CAUAYAN CITY- Nadakip ng mga kasapi ng PDEA Region 2 at ng SCPO Station 1 sa Purok 5, Barangay Mabini, Santiago City ang isang tsuper na kabilang sa kanilang regional target list .

Sa nakalap na impormasyon ng Bombo Radyo Cauayan, ang suspect na si Joemar Velasco, 33 anyos, may-asawa, isang tsuper at residente ngNaggasican, Santiago City ay nasamsaman ng 6 sachet ng hinihinalang shabu .

Pinangunahan ng anti illegal drug buybust operation ng mga kasapi ng PDEA region 2, Regional Intelligence Unit, SCPO Station 1 at ng City Intelligence Unit na nagresulta naman sa pagkakadakip ng suspect.

Nakipagtransaksyon umano ang suspect sa isang PDEA agent na nagpanggap na poseur buyer bitbit ang isang sachet ng hinihinalang shabu katumbas ng P1,000.00 .

Nang kapkapan ay nakuha rin sa suspect ang 5 pang sachet ng hinihinalang droga.

Nakatakda namang maharap sa kasong paglabag sa Republic Act 9165 (Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002) ang suspect na pansamantala nang nakapiit sa Santiago City Custodial Facility.