-- Advertisements --

Muling nilinaw ng Department of Transportation (DOTr) na ang deseniyo ng jeepney ay hindi sakop ng Philippine National Standards (PNS) at hindi layon ng modernization program na tuluyan ng tanggalin ang mga iconic design ng tradisyunal na “King of the Road”.

Ayon sa DOTr, na ang PNS ay sumasakop lamang sa limitasyon ng laki, engine requirements at ang safety features na ang modern public utility vehicles ang magkaroon.

Ang PNS aniya ay para matiyak na ang mga PUV ay nagko-comply sa Euro 4 emissions standard na nakasaad sa Administrative Orde mula sa Department of Environment and Natural Resources (DENR) na minamandato ng United Nations.

Magugunitang maraming mga jeepney operators ang umalma dahil sa pangamba na babaguhin na umano ng gobyerno ang hitsura ng jeepney.