-- Advertisements --
Binigyang diin ng Department of Transportation ang kahalagahan ng pagpapalakas ng mass transportation sa pagbibigay ng lunas sa lumalalang problema sa lagay ng trapiko.
Ginawa ng ahensya ang pahayag kasunod ng tanong ng nakararami kung makakatulong ba ang rehabilitasyon ng EDSA sa pagluwag ng trapiko lalo na sa Metro Manila.
Nakatakdang isagawa ang pagsasaayos ng EDSA sa darating na Hunyo 13 ng kasalukuyang taon.
Aminado ang ahensya na patuloy na dumarami ang bilang ng mga sasakyan sa kalsada taon-taon.
Ito aniya ang dahil kung bakit mahirap kaagad na masulusyunan ang dami ng mga sasakyan sa kalsada.
Tiniyak naman ng DOTr na patuloy ang kanilang ginagawang effort para matapos ang malalaking proyekto sa ilalim ng kasalukuyang administrasyon.