-- Advertisements --
IMG 20200626 122340

Todo na raw ang paghahanda at koordinasyon ng Department of Tourism (DoT) sa iba’t ibang local government units (LGUs) para ihanda ang mga tourist destination sa kanilang mga lugar bilang paghahanda sa domestic tourism sa ilalim na ng tinatawag na new normal.

Ayon kay DoT Sec. Bernadette Romulo-Puyat, nakipag-ugnayan na rin daw ang mga ito sa mga establisimento para sa tourism-related opening na unti-unti nilang isinasagawa para mabuhay ulit ang turismo sa bansa.

Sa mga restaurant establishments, may koordinasyon na rin daw ang DoT sa Department of Trade of Industry (DTI) at Department of Labor and Employment (DOLE) sa pag-accredit sa mga restaurants.

Tiwala si Puyat na sa kabila ng pandemic ay marami ang magpapa-accredit dahil sa pag-waive sa accreditation fees para sa tourism-related establishments.

Sa ilalim naman daw ng general community quarantie, puwede nang magbukas ang turismo ng 50 percent.

Una rito, noong Hunyo 16 ay nagbukas na ang Boracay pero para lamang sa domestic tourism.

Samantala, base umano sa pinakahuling statistics sa turismo, lumago pa ang turismo ng bansa sa 10.8 percent kumpara sa kaparehong period noong nakaraang taon.