-- Advertisements --

Nanguna si Luka Doncic sa Los Angeles Lakers matapos kumamada ng 34 puntos, 12 rebounds, at 7 assists upang talunin ang New Orleans Pelicans, 133-121.

Bente puntos agad ang naitala ni Doncic sa unang kwarter na nagbigay sa Lakers ng 46-27 lead, pinakamataas nilang puntos sa isang kwarter ngayong season.

Malaking tulong din si Austin Reaves na may 33 puntos at 8 assists, habang si Deandre Ayton ay nagdagdag ng 22 puntos at 12 rebounds bago umalis sa laro dahil sa pananakit ng tuhod.

Hindi nakalaro si LeBron James dahil sa masakit na kaliwang paa, ngunit sapat pa rin ang opensa ng Lakers upang makuha ang kanilang ikapitong sunod na panalo.

Samantala, kulang ang Pelicans dahil wala sina Zion Williamson at Trey Murphy III, kaya’t umasa sila sa opensa nina Bryce McGowens na may 23 puntos at Saddiq Bey na may 22 puntos.

Ito na ang ika-12 pagkatalo ng Pelicans sa huling 13 laro, habang umangat naman ang Lakers sa 7-2 record sa kanilang home court.