Sinabihan ng Department of Labor and Employment (DOLE) ang mga employer na huwag bawiin ang mga sahod na naibigay na sa mga manggagawa bago pa man suspendihin ang taas sahod.
Ginawa ni Labor Secretary Francis Tolentino ang paglilinaw isang araw bago mag-isyu ng temporary restraining order (TRO) ang Pasig City court sa P85 na taas sahod sa Metro manila kasunod ng petisyon ng dalawang construction companies.
Nang matanong kung ano ang mangyayari sa mga employer na naglabas ng mga sahod kasabay ng kaukulang wage increase, sinabi ng kalihim na hindi dapat itong isauli o bawiin dahil karapatan ito na ipinagkaloob sa mga manggagawa.
Ipinaliwanag din ng kalihim na noong ibinigay o inihanda ang sahod ay wala pang inisyung suspension order ang National Wages and Productivity Commission (NWPC).














