-- Advertisements --

Suportado ng Department of Labor and Employment (DOLE) ang panawagan ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. na itaas sa P350,000 ang taunang income tax exemption ceiling.

Ayon kay Labor Secretary Francis Tolentino, magbibigay ito ng agarang ginhawa sa pinansiyal ng middle-income workers o sumasahod ng lagpas sa minimum wage at sa maliliit na negosyo.

Saad pa ng kalihim na mas marami pa ang makikinabang sa oras na gawin ng P350,000 pababa ang annual income tax exemption ceiling.

Hinimok naman ni Sec. Tolentino ang mga mambabatas na iprayoridad ang agarang pag-amyenda sa National Revenue Code.

Aniya, maaaring mapabilis ito ng Kongreso bago matapos ang taon, kasabay ng pagsasaalang ng administrative relief tulad ng mga tax amnesty na maaaring isagawa ng Bureau of Internal Revenue sa ilalim ng mga umiiral na batas.