-- Advertisements --

Balak ng Department of Labor and Employment (DOLE) na humingi uli ng karagdagang pondo para sa assistance sa mga displaced overseas Filipino workers (OFWs) dahil sa COVID-19 pandemic sa buong mundo.

Una ng inakala ng DOLE na 150,000 lamang ang maaapektuhang OFWs sa pandemic pero umabot na sa 450,000 ang nag-apply para sa assistance.

Sinabi ni Labor Sec. Silvestre Bello III, una nilang natanggap na alokasyon ay nasa P1.5 billion pero kinulang kaya humingi sila ng karagdagang P1 billion.

Ayon kay Sec. Bello, nasa 145,000 OFWs na ang kanilang nabayaran at mayroon pang natitirang P1 billion sa kanilang kabuuang P2.5 billion.

Pero malamang kukulangin pa umano ang pondo kaya posibleng hihirit pa uli sila ng additional budgetary allocation para mabigyan lahat ang 450,000 applicants na OFWs.