Davao map
DAvao city

DAVAO CITY – Nahuli sa isinagawang drug buy-bust operation ng Santa PNP ang isang doctor kaninang pasado alas-3:00 ng madaling araw.

Nakilala ang suspek na si John Perrett Olivar Herrera alyas John, 33, binata, isang doktor at residente ng New Matina Gravahan sa lungsod.

Nakuha sa posisyon nang nasabing doktor ang P1,000 na marked money at mga pakete ng iligal na droga, cellphone at isang unit ng Toyota Vios.

Napag-alaman na sa karamihan umano sa mga kostumer ng doktor ay mga miyembro ng LGBT community at mga tao na kanyang kakilala sa social media na Grindr app.

Sinasabing nasa directorate for intelligence drugs watchlist ang suspek at ikinokonsidera itong isang high value target.

Nasa mahigit P10,000 ang halaga ng mga iligal na droga na nakuha sa posisyon ng suspek.

Nakakulong na si Dr. Herrera sa Sta. Ana PNP at nakatakdang sasampahan na rin ng kasong paglabag sa batas na may kinalaman sa Dangerous Drugs Act.